Tuesday, April 8, 2014

Gising Na Anak, Matutulog Na Tayo.

         Haist !!
        Dahil Summer na naman, Inuusig na naman tayo ni Haring Boredom na siya namang nagdudulot sating mahulog sa kanyang patibong na tinatawag na ANTOK.
        Di natin maiiwasan na mamiss ang mga bagay na ginagawa natin noong meron pa tayong mga klase, tulad na nga lamang ng
·         Pagbubunot ng Sahig
·         Pagpunta sa ICT Room dahil TLE time na.
·         Pagbili ng Lunch ng mga Guro natin sa labas ng Iskul.
·         Canteener
        At marami pang Iba ! Ngunit sa Kadahilanang “SUMMER NA”, wala na tayong magawa sa mga Bahay natin.
Para hindi dalawin ng Antok, ito ang ILAN SA MGA BAGAY NA GINAGAWA KO para di mabored ^_^
1.     MagComputer hanggang Matuyo ang EyeBalls .
-      3 hours ang minimum time ka ng pagcoComputer at to rin ay duloy ng Kaboringan sa Buhay.
-      Kung Inaantok ka pa din habng nagcoComputer, subukang manuod ng EXOCORCISM of EMILY ROSE, INSIDIOUS, THE CONJURING, at marami pang Kiddie Movies.
2.    MagLinis ng Bahay
-      Para naman makatulong tayo sa ating Ina’t Ama, subukan mo ring Gumawa ng mga Gawaing Bahay na siya namang ikasisiya ng iyong mga magulang.
-      Kung di pa rin nakuntento, subukan ding linisan ang bahay ng iyong Kapitbahay.
3.    Maglaro ng Outdoor Games.
-      Minsan talaga, napipilitan tayong maglaro ng mga larong nilalaro natin noong bata pa tayo. Tulad ko, naglalaro pa ako ng Tumbang Preso (Pero yung ma kalaro ko ay mga kalaro ko din noong Bata pakame:D )
4.    Ipalaganap ang Karunungan
-      Gumawa ng Blog at ipost ang iyon mga nais itanim sa utak ng ibang tao. Kahit walang kwenta, sige lang :D .


        At kung hindi pa din tinablahan ng mga sumusunod na gamut na ito ang iyong PAGKAANTOK, sa tingin ko ay mas mabuting Payagan mo na laman itong maghari sa iyong Isipan. :D

No comments:

Post a Comment