Sunday, March 29, 2015

Ang Ebak Adbentyurs ni Pido at ng mga Riles ng Tren

Ang EBAK Adbentyurs ni Pido
at ng mga Riles ng Tren
Sa Panulat ni Christian A. Gallardo

|| Buti pa yung dinadaan daanan ko lang palagi,
|| mahal ako. Tapos kung sino pang nakasasama 
|| ko siya pa tong wala care sken <//3

            Kakatapos lang ng groupings namen nun. Sabi ko sa sarili ko, "Hay, makakauwi na din, at makakakain!". Medyo gutom na ako noon. 
            Medyo naging matagal nga lang yung biyahe namin ng mga kaklase ko pauwi hanggang sa nakarating kami sa school namin. Doon na din kami naghiwa-hiwalay ng landas patungo sa sari-sarili naming mga bahay. Matapos ng mga tatlong minutong lakad ay nakarating na din ako sa terminal ng trike, nakadama ako ng kaba.
            Sumakay kaagad ako ng trike, takte lalo akong kinabahan nung dumaan kami sa ginagawang kalsada, lalo akong kinabahan, nanuyot ang labi ko.
            YES! Sa wakas nasa LRT na ako <3 Feeling ko makakauwi na ako ng walang pangamba nun. Pero pag-akyat ko ng hagdan, lumakas lalo ang tibok ng puso ko, yung kamay ko lumamig na din. Doon ko lang natanong yung sarili ko, bakit yung CR nandoon sa pesto na kailangan mo munang magpasok ng ticket, badtrip. Buti nalang! May stored value ticket ako kaya hindi na ako pipila ng pagkahaba-haba, last 15 pesos ko na yun, nakahabol pa. 
            Pagpasok ko sa ticket machine, dali-dali akong tumakbo papunta sa CR. Isang malaking          TAKTE. Out of Service. Lalo akong kinabahan. pinawisan na yung kamay ko. Naisip kong lumabas nalang, pero sayang yung stored value ko :3 Wala na akong pamasahe :3 Dumiretso nalang ako sa platform, puno ng pangamba at pagpipigil. 
            TAKTE ulet. Yung escalator na dapat sasalba na sa akin, out of service then <3. No choice, sa hagdan nauwi. Feeling ko pagod na pagod ako noon. Pagdating ko sa taas, sakto yung train kakarating lang. Thanks Lord! Medyo masikip nga lang pero kaya naman.
            Doon sa loob ng tren, di ko na nadama ang pag-aaway ng mga lamang loob ko. Sabi ko, kaya ko mo to Pido. Pero di talaga siya nakisama. Nag-close-open, close-open lang naman kami nung pintuan, mga payb minits yun. Adrenaline rush, rush.
            Grabe talaga ang pagtulo ng bawat butil ng pawis ko noon, nag-hahallucinate na din ako nun, ngo-ngo na yung naririnig kong boses nung piloto nung tren. Tapos uminit na din yung paligid, parang kanina eh napakalamig pa.
            Heto na, Cubao na, Cubao na. Kahit doon, mag-eelevator na ako pababa, mukha namang natatae yung symbol na nakadikit doon eh. Pero kahit sa huling pagkakataon, binigo niya ulit ako. Doon pa ako dumaan sa daan na yung escalator ay pataas :3 Hagdan mode ulet. Lahat na ata ng prayers, nabigkas ko na. Hala heto na. Nasaan yung CR, nasaan yung CR. Pero out of service din. Di niya talaga ako mahal /3 Awtsubells.
            Buti nalang may Gateway, at sa Gateway, may CR. What a relief! Matapos noon ay amoy pawis na ako at nakauwi ng matiwasay.

||  Buti pa yung Gateway na dinadaan daanan ko lang palagi, mahal ako. Tapos kung yung
||  LRT na nakasasama ko araw-araw, siya pa tong walang care sken <//3


No comments:

Post a Comment