Books and Vegetables.
Heto ang mga bagay na palaging kinakain
ng mga Genius. Sila kase ang mga taong sinanla na ang sarili sa Diyablo ng
Katalinuhan (may galit po ako sa mga matatalino :D) #InsecurityOverload .
Naitry ko na ding magbasa ng makakapal
na Libro na tinatawag ding mga Nobela. Ngunit di kinaya ng aking utak ang mga
malalalim na salita na na-encounter ko sa mga librong iyon. 2 GB lang kse ang
capacity ng utak ko :3.
Ngunit nakatapos naman na ako ng isang
Libro at iyon ay ang Libro ni Bob Ong.
STAINLESS LONGGANISA. Ano ang maiisip mo
sa pamagat na ito? (Libre mag-conclude). Ako rin ay naguluhan ng mabasa ko ang
pabalat ng Libro niyang iyon. Iyon pala ay tungkol sa kanyang buhay bilang
Dakilang Manunulat (Stainless Longganisa= Ballpen).
Matapos kong mabasa ang librong iyon,
lalo akong nasiyahan sa pagsusulat ng kung anu-ano.
Malaking tulong talaga ang pagbabasa ng
Libro, ngunit kung isa kang Book-Hater, ito ang ilan sa mga bagay na maipapayo
ko sayo.(Magbago ka na !):
1.
Mind Set
-
Katulad lang yan ng pagseset ng
mga goals sa buhay. Dapat mo ring ipush ang sarili mong ma-accomplish ang mga
ito.
2.
Premature Baby
-
Para kang premature baby kapag
di mo pa naitry na magbasa ng kahit isang libro. Dahil katulad ng isang
premature baby na kulang pa sa buwan upang magpalakas, meron din tayong mga
bagay na kailangang malaman na sa mga Libro lang natin makukuha.
3.
Bobo ka !
-
Bobo ka. Heto ang palagi kong
sinasabe sa sarili ko bago ko basahin ang Stainless Longganisa. Ewan ko ba kung
paano ako nagawang itulak nito sa pagbabasa ng Libro. Try mo din.
Actually, madame pang mga mga tips jan
para matuto kang magbasa, yan lang kase ang kinaya ng 2GB kong Utak. XD
No comments:
Post a Comment