Saturday, April 26, 2014

Doon sa Pila University of the Philippines [Part 2]

        Yehey ! Sa wakas ay nakapagbayad na ako :D Very overwhelming dahil sa ilang dipang taong pila na aking hinintay na matapos, atlast ay natapos ko na ang isa sa mga mahirap na step ng Enrollment sa #SintangPaaralan. Pero paano naman yung mga iba pang mga KaIsko kong di pa handa sa mga ganitong pangyayari.
SOURCE:
https://www.facebook.com/PeyupiMemes
        Dahil gusto ko ding iShare ang aking mga naranasan sa First part ng aking Enrollment sa FiiYuuFii, heto ang ilan sa mga bagay na alam kong mararanasan mo din kapag mag-eenroll kana :D

1.    Unahan ang Alarm Clock
-      Kung napagdesisyunan mong gumising ng 4:00AM para mag-ayos ng mga gamit mo, try mong agahan pa dahil minsan, dulot na din ng sobrang pagkakaba, di mo na alam ang dapat mong gagawin, hanggang malate ka na.
2.   Agahan ang pagpunta sa Time na naibigay sayo.
-      Kung 8:00AM ang oras mo, mas mabauting dapat nandun kna sa pila ng 5:00AM. Ganoon kase ang nangyari sa akin kaya medyo naleyt ako. Nakadating ako doon ng 6:30 AM at sobrang haba na agad ng Pila.

3.   Try to be Friendly, most of the time.
-      Kung di ka sanay na makipaghalubilo sa ibang tao, make sure na magagawa mo yun pagdating ng enrollment mo. Kapag wala kang makakausap, I’m sure, kakainin ka ng Boredom at sobrang pagkabagot.
4.   Magdala ng Armas laban kay Haring Boredom.
-      Kung meron kang mp3, PSP, smart phone, TV, DVD, PC, at iba pang gadgets, magdala ka para di ka mabored sa mahabang pila. Pero wag mo namang ipagmalaki yang dadalhin mo, mahirap na kapag manakawan. Mag-ingat din syempre kung magdadala ng ganyan.
5.   Make sure na Handa ang Credentials mo.
-      Dapat dry-sealed ang Good Moral, Original at Updated ang NSO-autheticated Birth Certificate mo, at photocopied lahat ng credentials mo. Tiyakin ding di malulukot ang Brown Envelope mo dahil ayaw ng ibang tao sa Admission Services ang Lukot at mukhang basurang Long Brown Envelope. Dapat din original ang signature sa Good Moral mo.
6.   Magdala din ng Water at Puds sa Bag.
-      Isa na sa mga nakita kong ininda ng mga kapwa ko enrollees ay ang gutom. Pero dahil nakapila kayo, mahirap makabili ng food at water. Mas mainam na magdala na ng Pagkain at Tubig para din a kailangang umalis pa sa Pila. Pede naman magsabi sa kasunod mo sa pila kung kelangan mo talagang umalis sa pila.
7.   Magbaon ng madaming Patience.
-      Kahit sobrang Init na Simoy na Hangin, sabay pa nito ang di mawaring amoy sa Kilikili ng nasa harapan mo, kahit masungit ang mga naeEncounter mong mga tao, PATIENCE lang talaga, at syempre kasama ang Guidance ni Lord, malalagpasan mo din yan. Yan ang natutunan ko sa Enrollment palang sa PUP.


        Sana makatulong ito sa mga mag-eenroll palang sa mga darating na mga araw. Basta tiwala lang sa sarili at mabilis at hindi choppy na connection kay GOD :D. GoodLuck and Godbless sa mga mag-eEnroll :D

No comments:

Post a Comment