Thursday, April 24, 2014

Doon Sa Pila University of the Philippines :3


         
SOURCE:
https://www.facebook.com/PeyupiMemes
Tayo. Upo. Sandal. Yuko. CRACK !!. Ultimo mo Buto ko, tila sumisigaw na ng Break !
        Kahapon nagsimula ang Enrollment ko sa Sintang Paaralan AKA Polytechnic University of the Philippines. GRABE ! Dito ko lang naranasang pumila sa loob ng TATLONG ORAS. Tila baga’y bibigay na ang aking katawan dail ‘di na dumadaloy ng maayos ang aking Dugo.
        Dahil napaka-organisado ng kanilang sistema ng Enrollment, maayos naman ang naging daloy ng pila namin. Ngunit sa kadahilanang madami ang nag-aasam ng #EdukasyongDosePesos, madame ang nakapasa at nag-enroll NA naging dahilan naman upang magkaroon kami ng Limang Dipang Taong pila. Dito ko lang naranasan, kumain ng Bubuyog, magbilang ng butas sa sahig, orasan ang pagdating ng susunod na tren sa PNR, at iba pa dulot ng Labis na Pagkabagot.

        Nagkaproblema pa ako sa Good Moral ko. Letsii kse yung Admission Services nay un, Napansin pa pati format ng Good Moral ko. Balik tuloy sa school, kaya lang Photocopied din yung Signature.
        “Lord, sana po baguhin nyo po sya. Imulat niyo ang kanyang mga mata na Mahirap bumiyahe. Pabalik balik na po ako L
        Second Day, para naman sa Result ng Xray. Nakakainis din dahil Pila na naman ang aking Nadatnan. :3 Super Bagot. Tapos bukas babalik ulet ako sa Sintang Paaralan. La eh, kelangan kong pag-aaralan ang salitang “Patience”. MamaMaster din kita. :D 

No comments:

Post a Comment