Saturday, April 12, 2014

Warp Zone ng Buhay Ko !

        Warp Zone ! Kung adik kay kay Super Mario, I’m sure alam mo to !
        Heto ang stage ng Super Mario kung saan meron kong tatlong choices ! Namely Zone 1, Zone 2, Zone 3. Iba-iba ang destinations ng mga Zones na ito. Pero di mo din alam kung saan ang patutunguhan.
        Parang ganito din ang nae-enconter ko ngayon dahil College na ako!!
At first, mahirap pa ding mag-mindset. Syempre, bagong ambiance, bagong set ng mga taog kailangang pakisamahan.
Katulad nga ng sabi ko, nasa Warp Zone ako ngayon. Lalo na’t di ako makapaniwalana makakapasa ako sa PUPCET (Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test) garnering a score of 90- Proud ako jan ! Out of 150 items, 60 ang mali ko.
Dahil doon, madameng courses ang pwede kong maavail.

Frovlem #1
          Ngunit sa kadahilanang kinapos ang aking grades sa Mathematics at Science, tila bagay napilayan ang aking mga Pakpak (Waching !). At ang masakit pa, Kasama doon sa courses nayun yung course na gusto ko !... ang Information Technology. #NapakasakitKuyaEddie.
          Ganoon talaga, katulad ng Super Mario, madame talagang circumstances ang kinakaharap ko ngayon. Kaya no choice ! Kelangan ko muling pumili ng course na suitable ang grades ko :3. Buti na lang at nanjan si Journalism at Broadcast Communication.
         Salamat talaga at may background ako sa mga ganitong fields.
         Pero after first semester ay magshi-shift din ako ng course at syempre, dun sa course na kinahuhumalingan ng aking puso… ang Information Technology.

Frovlem #2
        Jeepney, LRT, at Tricycle. Tapos Tricycle, LRT, at Jeepney.
        Heto ang magiging buhay ko sa college. Dahil napakalapit ng Antipolo sa Sta. Mesa, Manila, I’m sure, magiging madali sa akin ang magbibiyahe.
        Ang pagbibiyahe ang isa sa mga kahinaan ko sa buhay. Madali akong mahilo na minsan ay nagdudulot pa ng Ultimate Vomiting. Kaya sinasanay ko na ang aking sarili sa matinding usok na nagmumula sa mga Tambutso ng mga sasakyan. (Sana magkaroon ng PUP Antipolo :3)

Frovlem #3
      Kamusta Crush mo?
        Ano ang na-iisip mo kapag naririnig mo yan? Tama Ka ! Love !
        Di ko alam kung anong mangyayare sa Lovelife ko sa College. Gwapo pa naman ako, baka pag-agawan :3 #BoomPanes !. Mahangin ba? Patayin mo kase yung Electic Fan !
        On the darker tone, isa akong Torpeng tao. Yes ! Torpe. I love being in Silence when it comes on that matter ! Di ako masyadong Vocal ‘though in writing, I can express what I feel. Sabi nga nila, kaming mga torpe yung mga aong ayaw ma-reject :3
        Bahala na sa June ! HAHA XD

Frovlem #4
      Magkano na kaya ang magiging baon ko sa college ?
        Palagi yang nasasagi sa utak ko. Masakit na nga sa ulo e. Pero di mo din maiiwasan yan kapag nasa ganito ka ng pahina ng buhay mo.
        Syempre, madameng gastusin sa school. Mahihirapan na naman ako sa pagbubudget ng pera ko :3
       
Frovlem #5
        THESIS !
        Ang Pasakit sa buhay ng mga Kolehiyo.
        Pinagawa na kami ng Baby Thesis this January lang ng aming Filipino Teacher. Napakasaya ko noon dahil nasakto iyon sa Laban naming sa Dasmarinas, Cavite (RSPC 2014), ngunit ang masakit, di ko naranasan ang hirap na haharapin ko sa college. Tinake advantage kase namen ang pagka-excused namen sa klase.
        Di ko alam kung paano koi yon kakaharapin ! Nakow !
        Pero kakayanin yan !

        College Life! New Chapter, New Challenges, New Environment, and New Stories :D

No comments:

Post a Comment