Buti pa yung dinadaan daanan ko lang palagi,
mahal ako. Tapos kung sino pang nakasasama ko araw-araw, siya pa tong wala care
sken /3.
Kakatapos lang ng groupings namen nun. Sabi ko
sa sarili ko, "Hay, makakauwi na din, at makakakain!". Medyo gutom na
ako noon.
Medyo naging matagal nga lang yung biyahe
namin ng mga kaklase ko pauwi hanggang sa nakarating kami sa school namin. Doon
na din kami naghiwa-hiwalay ng landas patungo sa sari-sarili naming mga bahay.
Matapos ng mga tatlong minutong lakad ay nakarating na din ako sa terminal ng
trike, nakadama ako ng kaba.
Sumakay kaagad ako ng trike, takte lalo akong
kinabahan nung dumaan kami sa ginagawang kalsada, lalo akong kinabahan, nanuyot
ang labi ko.
YES! Sa wakas nasa LRT na ako <3 Feeling ko
makakauwi na ako ng walang pangamba nun. Pero pag-akyat ko ng hagdan, lumakas
lalo ang tibok ng puso ko, yung kamay ko lumamig na din. Doon ko lang natanong
yung sarili ko, bakit yung CR nandoon sa pesto na kailangan mo munang magpasok
ng ticket, badtrip. Buti nalang! May stored value ticket ako kaya hindi na ako
pipila ng pagkahaba-haba, last 15 pesos ko na yun, nakahabol pa.
Pagpasok ko sa ticket machine, dali-dali akong
tumakbo papunta sa CR. Isang malaking TAKTE. Out of Service. Lalo akong
kinabahan. pinawisan na yung kamay ko. Naisip kong lumabas nalang, pero sayang
yung stored value ko :3 Wala na akong pamasahe :3 Dumiretso nalang ako sa
platform, puno ng pangamba at pagpipigil.
TAKTE ulet. Yung escalator na dapat sasalba na
sa akin, out of service then <3. No choice, sa hagdan nauwi. Feeling ko
pagod na pagod ako noon. Pagdating ko sa taas, sakto yung train kakarating
lang. Thanks Lord! Medyo masikip nga lang pero kaya naman.
Doon sa loob ng tren, di ko na nadama ang pag-aaway ng mga
lamang loob ko. Sabi ko, kaya ko mo to Pido. Pero di talaga siya nakisama.
Nag-close-open, close-open lang naman kami nung pintuan, mga payb minits yun.
Adrenaline rush, rush.
Grabe talaga ang pagtulo ng bawat butil ng
pawis ko noon, nag-hahallucinate na din ako nun, ngo-ngo na yung naririnig kong
boses nung piloto nung tren. Tapos uminit na din yung paligid, parang kanina eh
napakalamig pa.
Heto na, Cubao na, Cubao na. Kahit doon,
mag-eelevator na ako pababa, mukha namang natatae yung symbol na nakadikit doon
eh. Pero kahit sa huling pagkakataon, binigo niya ulit ako. Doon pa ako dumaan
sa daan na yung escalator ay pataas :3 Hagdan mode ulet. Lahat na ata ng
prayers, nabigkas ko na. Hala heto na. Nasaan yung CR, nasaan yung CR. Pero out
of service din. Di niya talaga ako mahal /3 Awtsubells.
Buti nalang may Gateway, at sa Gateway, may
CR. What a relief! Matapos noon ay amoy pawis na ako at nakauwi ng matiwasay.
Buti pa yung Gateway dinadaan daanan ko
lang palagi, mahal ako. Tapos kung yung LRTna nakasasama ko
araw-araw, siya pa tong wala care sken /3.
No comments:
Post a Comment