Wednesday, September 30, 2015

Ang Sakit Lang

Ang sakit lang.
 Noong una, akala ko ako lang. Iyun pala, may apat pa.
  Akala ko ako lang, ako lang ang iniisip mo. Tapos malalaman ko, may iba pa pala?
   Minulat ko ang aking mga mata, kahit masakit ay sinubaybayan ko kayo ng ‘iba’ mo.
    Nakita ko, inaalagaan mo sila. At pantay-pantay mo silang nabibigyan ng pagpapahalaga.
     Natanong ko na nga rin ang sarili ko, ano bang wala sa akin na mayroon sa kanila?
      Kahit nagmumukha na akong tanga, hindi pa rin kita iniwan.
       Ngunit nang tumagal, tuluyan na ngang nawala ang pagpapahalaga mo sa akin.
        Wala ka na talagang pagmamahal sa akin. Simula noon, pinatay ko na ang sarili ko.
         Nangingitim na nga raw ako sabi ng iba. Eh hindi mo naman na ako mahal diba?
          Pero umaasa pa din ako na manumbalik ang atensyon mo sa akin.
           Hindi ko na kaya, gagawa na ako ng aksiyon.
            Hindi mo ako pinapansin diba? Total sinaktan mo na rin naman ako, sasaktan na rin                kita.
              Ang sakit lang, kasi ayaw ko naman talagang masaktan ka. Pero magiging                                makasarili na ako.
                Kahit man lang sa sakit na ipapadama ko sayo, maalala mo naman ako.




                                                                                                             - HINLILIIT SA PAA 

No comments:

Post a Comment