Wednesday, April 13, 2016

Pinagtagpo


Tunay na may mga bagay na pinagtatagpo ng tadhana...
  

     Tik, tak, tik, tak.
     Pinagtagpo tayo. Sigurado ako roon.
     Kung 'di ka ba naman makasasalubong oras-oras, palagi kang nasisilayan, mga ngiti mo, sigurado akong ikaw na nga.
     Marahil hindi pa ito nasagi sa iyong isipan dahil hindi hamak na mas kailangan mong ituon ang oras mo sa iyong gawain, sigurado ako sa nadarama kong ito sa iyo. Tanungin mo pa ang animnapung mga linyang parehas tayong napagmamasdan sa buong panahon ng ating buhay.
     Kung pwede ko lang ring bilisan ang takbo ko, gagawin ko, makasabay ka lamang.

     Tik, tak, tik, tak.
     Pinagtagpo tayo. Sigurado ako roon. Pero...
     Napakatulin! 'Di ko nga alam kung natitigan mo pa ang lahat ng nakasasalamuha mo, lalo na ako.
     Natatandaan mo pa kaya ako? Ang mukha ko? Ang mga mata ko? Kasi sasabog na talaga ako. Ni mga mata ko ay sumisigaw na ng pagsinta ko sa iyo. Ngunit paano nga kung mabilis ang mga pangyayari?

     Tik, tak, tik, tak.
     Pinagtagpo tayo. Sigurado ako roon. Pero mukhang wala na.
     Nakakasawa rin pala. Kasi pinagtagpo lang talaga tayo.
     Nabiktima na naman ako ng salitang "Akala". Akala ko tayo na. Akala ko may mangyayari. Akala ko may magsisimula. Akala ko may patutunguhan. Ngunit lahat lang pala ng mga iyon ay nasa isipan ko lang. Mukhang wala na nga talaga.

     Tik, tak, tik, tak.
     Pinagtagpo tayo. Sigurado ako roon. Pero mukhang wala na. Wala na nga.
     Ngunit patuloy pa rin ang buhay. Gustuhin ko mang bigyan ng oras ang pagpapadama ko sa iyo ng aking nararamdaman, hindi ko malalaban ang batas ng tadhana. Kaya kitang habulin, ngunit may mawawala. Ano pa't may mabubuo kapag sinunod ko ang gusto ko kung may masisira rin naman?
     Oo pinagtagpo tayo, ngunit hindi ibigsabihin noon ay tinadhana tayo. Dahil kailanman, hindi magiging katumbas ng pinagtagpo ang itinadhana.
     Itinadhanang magtagpo ngunit hindi pinagtagpo dahil tayo ay itinadhana.

Wednesday, September 30, 2015

Ang Sakit Lang

Ang sakit lang.
 Noong una, akala ko ako lang. Iyun pala, may apat pa.
  Akala ko ako lang, ako lang ang iniisip mo. Tapos malalaman ko, may iba pa pala?
   Minulat ko ang aking mga mata, kahit masakit ay sinubaybayan ko kayo ng ‘iba’ mo.
    Nakita ko, inaalagaan mo sila. At pantay-pantay mo silang nabibigyan ng pagpapahalaga.
     Natanong ko na nga rin ang sarili ko, ano bang wala sa akin na mayroon sa kanila?
      Kahit nagmumukha na akong tanga, hindi pa rin kita iniwan.
       Ngunit nang tumagal, tuluyan na ngang nawala ang pagpapahalaga mo sa akin.
        Wala ka na talagang pagmamahal sa akin. Simula noon, pinatay ko na ang sarili ko.
         Nangingitim na nga raw ako sabi ng iba. Eh hindi mo naman na ako mahal diba?
          Pero umaasa pa din ako na manumbalik ang atensyon mo sa akin.
           Hindi ko na kaya, gagawa na ako ng aksiyon.
            Hindi mo ako pinapansin diba? Total sinaktan mo na rin naman ako, sasaktan na rin                kita.
              Ang sakit lang, kasi ayaw ko naman talagang masaktan ka. Pero magiging                                makasarili na ako.
                Kahit man lang sa sakit na ipapadama ko sayo, maalala mo naman ako.




                                                                                                             - HINLILIIT SA PAA 

Tuesday, September 22, 2015

Papsikel Stiks

Dinampot ko ang papsikel stiks
Isa, dalawa, tatlo, apat.
Pinatong patong ko sila
Ayan na! Mataas na!
Binato mo.
Binato mo ng baling papsikel stik.

Binuo kong muli.
Lima, anim, pito, walo.
Oh! Mas mataas ito kaysa sa una!
Ngunit binato mong muli.
Binato mo ng baling Papskil stik.

Naging matalino, ako'y hindi na pumayag.
Binuo kong muli, mga pangarap kong iyo'y sinira.
Hindi pataas, binuo ko itong muli nang pahaba.
Teka, naubos na ata ang mga papsikel stiks ko.

Dinampot ko ang mga baling papsikel stiks
mga papsikel stiks na binato mo.
Tapos na! Di man mataas, ngunit malawak naman.
Matatag. Di na muli pang mabubuwal.

Tuwa! Ayan ang natamasa ko.
Ilang beses mang natibag, hindi ko sinayang
mga papsikel stiks na kinaiingatan ko.

Ikaw? May papsikel stiks ka pa ba d'yan? 

Monday, September 7, 2015

Paano ba ang Masaktan?

Bakit ba takot kang masaktan?
        Eh kahit huwag mo na ngang pag-isipan pa, hindi lang ikaw ang ayaw masaktan. 
        Tara,bumalik tayo sa nakaraan.
        Natanong mo na ba ang sarili mo kung bakit mo sinubukang magbisikleta kung alam mong sesemplang ka naman? Natanong mo na rin ba ang sarili mo kung bakit mo sinubukang saluhin ang luha ng nagbabagang kandila kahit alam mong paso lamang ang matatamo mo rito?
        Bakit mo rin pinilit ang sarili mong masaktan ang mga daliri mo matutunan lamang ang pagtugtog ng gitara?
        Kase nga, gusto mong matutong bumalanse, gusto mong magkaalam, gusto mong maging magaling.
          Kase nga, gusto mong lumago bilang tao.

Bakit ba takot kang masaktan? 
         Kung tutuusin, di naman talaga masakit masaktan. Kaya lang siguro tayo nasasaktan dahil bago lang iyon sa atin. Marahil likas na sa atin na sabihing nasaktan tayo sa mga pagkakataong iyon dahil hindi natin nagustuhan ang epekto ng mga ito sa atin, ngunit sa una lamang iyon. Sa bahaging ito ko na ipakikilala sa iyo si 'Manhid'. 
          Bahagi na ng buhay natin bilang likha na mayroong pakiramdam ang masaktan. Ngunit bakit tila kinakalaban mo ang tinakdang ipadama sa iyo ng Diyos?
        Hayaan mo lang kase. Hayaan mo lang na bumaon. Hayaan mo lang na masugatan ka. Hayaan mo lang magdugo. Hanggang sa magdugo pa nang magdugo.

Bakit ba takot kang masaktan?
          Sarap na lang kase palagi ang hanap mo. Saan ka dadalhin ng 'Sarap' na iyan? Eh masarap nga rin ba ang tatambang sa iyo sa bandang huli kapag sinama mo yan hanggang sa dulo ng buhay mo?
        Ilusyon. Iyan ang tawag d'yan. Lahat tayo kaibigan nyan, kaso lang siya iyung kaibigan na dapat na itinatakwil, iyung nilalayuan. Ika nga, piliin mo iyung mga bagay na huhubog sa pagkatao mo.

Bakit ba takot kang masaktan?
         Ang realidad ay isang malaking patalim, patalim na dapat ay ikinatutuwa mo pang labas-pasok na tumatarak sa sarili mo. Nang hindi namamalayan, butas ka na. Butas, ibig sabihin ay nawala na ang ilang bahagi mo. Ngunit, babalik rin sa dati ang pagkasirang ito. Salamat sa mga karanasang lulunas rin sa iyo sa bandang huli. Sa pagkakataong iyon, manhid ka na, malakas ka na.
        Kung tatanungin mo ako kung "Paano bang mabuhay nang hindi nasasaktan", parang tinanong mo na rin ako na 'Paano bang maghilod nang hindi nasusugatan". Masakit kase hinuhubog ka. Masakit kase pinipino ka. Masakit kase ginagawa kang ganap na tao.
         Kaya't kung nasa estado ka na ang nais mo pa lamang ay ang 'Sarap', mag-isip-isip ka na kung saang daan na ang tinatahak mo.


          Sa buhay, dapat ang hanap mo ay sakit. Dahil sa lahat ng bagay na ibibigay sa iyo ng Diyos, sakit lang ang may kakayahan na ituwid ang lahat ng kabaluktutan mo. Hayaan mo lang, masakit na kung masakit! Ikaw rin, malalaman mo kung anong dulot sa iyo ng sakit kapag lumaon.

Saturday, April 25, 2015

Best Kuya Ever!

Best Kuya Ever



Yung kapatid kong kasama sa RSPC, naglalaro sa labas.
Ako, na tapos na sumabak sa RSPC, nagle-layout ng dyaryo nla.
Siya, na naglalaro sa labas, sumasalo ng bola.
Ako, na naglelayout ng dyaryo nla, sumasalo ng household chores.
Siya, na sumasalo ng bola, nageenjoy.
Ako, na sumasalo ng household chores, namumuryot. 
Siya, na nageenjoy, sulit ang bakasyon!
Ako, na pogi at namumuryot, sira ang bakasyon!
Bow.

Saturday, April 11, 2015

B-O-R-E-D



Walang magawa sa bahay, pati yung Logo ng Sintang Paaralan ko (AKA Mambugan National High School) eh nagawa ko ding i-edit :3 Haha. Wala lang :3

Friday, April 3, 2015

Mahal Kita Wantawsan Tayms

Mahal *ctrl+c* Kita Wantawsan Tayms

*ctrl+v*, na-aalala mo ba noong bata pa tayo?
Noong mga panahon na Voltes V pa ang uso
Noong mura pa ang Hanny at Nata De Coco
At noong si *ctrl+v* pa ang kasing height mo

*ctrl+v*, dumaan na ang maraming taon
Hindi ka lumayo sa piling ko
Nag-*ctrl+v* na ang lahat pati gasul
ika’y nariyan pa rin, labasan ng sama ng loob

*ctrl+v*, tunay ngang ika’y walang kupas
Simula pa noong tayo’y nasa Espana pa
At noong mga Thesis pa ang inaatupag
Dumaan na ang mga taon, Ganda mo’y di lumipas

*ctrl+v*, heto na ang aking pinakahihintay
Ang bunga ng ating pagma-*ctrl+v*-an
Ito na hudyat ng mas mahirap na mga pagsubok
Ngunit tiyak ko’y nariyan ka upang alalayan ako

*ctrl+v*, pasalamat ko’y nag-uumapaw
At lahat sa kaniya’y nais ibigay
Eh sayo palang *ctrl+v* ay solb na ako
Isama pa ang pamilyang masaya tulad nito

*ctrl+v*, hindi ako magsasawang *ctrl+v*-in ka
At ulit ulitin na bigkasin sayong *ctrl+v* na *ctrl+v* kita
Pagma-*ctrl+v* sayo kailanma’y hindi matitibag
Eh kung sa ikaw ang *ctrl+v* ko, may magagawa ba sila?

*ctrl+v*, kahit sana sa mga letrang ito
Nais ko’y magtagumpay at iyo’y maisapuso
Kahit na uugod-ugod na at may mga uban na tayo
Sa mga linyang ito’y maisip mong ikaw pa rin ang Bida ng buhay ko